Friday, February 27, 2009

pagpaparetoke ng mga artista

I. Introduksyon
A. Panukalang Pahayag

Ang pagpaparetoke ay isa sa mga simpleng paraan upang pagandahin ang part eng katawan. Kahit sino ay puwedeng dumaan sa prosesng ito. Ang pagpaparetoke ang nakakatulong sa pagsikat ng isang artista.

B.Introduksyon/ Paglalahad ng suluranin

1. Pagtukoy sa Paksa
ang paksa ng pananaliksik ay pagpapatunay sa epekto ng pagpaparetoke ng mga artista sa kanilang kasikatan.
2. Paglalahad ng suliranin
A.Nakakatulong ba ang pagpaparetoke sa pagsikat ng isang artista ang pagpaparetoke?
B.Malaki ba ang ginagastos ng mga artista sa pagpaparetoke?
3. Kaligirang paksa o suliranin
Paghahanap ng mga artistang ngparetoke ng ano mang bahagi ng kanilang katawan.

4. Personal o panlipunang udyok sa pagpili ng paksa.
Pinili naming ang paksang ito, dahil naging interesado kamo sa pagtuklas ng buhay ng mga artistang nagpaparetoke.
Gusto ko rin naming malaman kung malaki ba ang ginagastos nila sa prosesong ito.

C.Rebyu/Pagaaral

Ang pagpaparetoke ay isang maselang proseso o paraan upang mabago ang sarili. Ito ay isang napakamahal ng proseso na pinagkakagastusan talaga ng mga artista. Sila ngayon ay dumadaan sa ganitong klase na paraan upang mapaganda at mapaayos ang kanilang mukha o di kaya’y paraan nila ito upang pumayat. Mas gusto ng mga artista ang mabago ang kanilang sarili kaysa tangkilikin na lamang ang kanilang natural na sarili.

Ang “cosmetic surgery” ay may mga negatibong epektong naidudulot sa katawan o sa paiisip ng nagparetoke. Puwede ito magdulot ng inpeksyon, at maari din itong makasira sa porma ng katawan kapaga hindi naging maayos ang prosesong ginawa. Ang prosesong ito pinangarap ng lahat ngunit kadalasang ito’y nagiging isang bangungot sa iba dahil nagiging palpak ang paggawa ng mga doctor na hindi lisensyado. Ang pagpaparetoke ang naging “in” na sa heneresyon ngayon. Tanyag ito sa mga sikat na artista sa indsutriya maging sa mga mayayamang tao at pati na rin sa mga nasa klass b ay naeenganyo na din sa pagreretoke. Madami din naming benepisyo ang pagpaparetoke dahil gaganda nga naman ang iyong pan labas na kaanyuan at gumganda ang aura ng isang tao.

Liposuction, breast augmentation, nose lift at kung ano pang pagpaparetoke.Sa panahon ngayon, ordinaryo na lang ang ganitong mga procedure para makamit ang minimithing itsura. Pero may ilan na hindi na makuntento sa minsanang pagpaparetoke at ito ay nauuwi sa adiksyon.
Ang pagreretoke ay may iba't ibang klase ng teknik na ginagamit sa iba't ibang klase ng operasyon. Ang mga karaniwang teknik na ginagamit ay:
a. Incision - Ang paghihiwalay ng pisikal na layon o ang porsyon ng pisikal na layon sa pamamagitan ng aplikasyon ng direktang lakas.
b. Excision - Ang pagtanggal ng tumor o organ.
c. Laser surgery - Sa pagreretoke, ang tawag dito ay laser resurfacing. Ginagamit ito para mawala ang mga linya sa mukha at katawan at napapakinis at pinapahigpit rin ito ng balat.
d. Microsurgery - Isang klase ng operasyon na ginagamit ang microscope para maikabit ang mga nahiwang tissue sa katawan.
e. Liposuction - Ang pagtanggal ng mga taba sa iba't ibang parte ng katawan.
f. Chemosurgery - Isang klase ng operasyon na gamit ang mga kemikal para matanggal ang mga sirang tissue sa katawan.
Ang pagreretoke ay galing pa sa panahon ng 700 BC. Sa 8th century BC, si Shushruta Samhita, isang physician sa India, ay gumagawa ng reconstructive work para sa skin grafts, na ang ibig sabihin ay ang paglipat ng balat o tissue, na ang tawag sa ginagawa niya ngayon ay rhinoplasty o otoplasty. Meron rin na bumabalik pa sa 1st century BC kung saan ang mga Romano ay nakakagawa ng mga simpleng teknik para maayos ang nasirang tenga o ilong. nang tumagal, ang paggamit ng anesthesia ay kinakailangan sa mga operasyon na halong sakit, pati na rin mga disinfectants. At ngayon, ang mga teknik, mga instrumento, at mga gamot na ginagamit sa mga iba't ibang klase ng operasyon ay pinabuti lalo. At dahil dito, ang pagreretoke ay naging isa sa mga tanyag na larangan sa buong mundo.

Binalaan kahapon ng Department of Health (DOH) ang publiko na huwag basta ipagkatiwala sa mga beauty parlors ang mga surgical procedures maliban sa kanilang mga regular na serbisyong inaalok. Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, tanging ang mga establisimiyento na may sapat na lisensiya lamang mula sa DOH ang maaring magsagawa ng non-emergency surgical treatments lalo pa at nalalagay sa panganib ang buhay ng pasyenteng nagpapasailalim dito. Ang babala ay kasunod ng mga ulat na may mga beauty parlors na nag-aalok ng beauty enhancement services sa kabila ng kawalan ng lisensya mula sa DOH. Nilinaw din ng Kalihim na hindi basta-basta iniisyuhan ng lisensiya ang lahat na nag a-apply para dito dahil dumadaan pa umano ito sa masusing pagsusuri ng DOH.
Dati-rati’y inililihim ng mga celebrities ang pagpapa-retoke ng iba’t ibang parte ng kanilang mukha at katawan pero ngayon ay kulang na lamang itong ipangalandakan nila. Noon kahit totoo ay nagdi-deny ang celebrity na sumailalim ng beauty enhancement pero ngayon sila pa mismo ang nagsasabi at umaamin. Kung noo’y breast ugmentation at nose jobs lamang ang uso, ngayon halos lahat na- pagpapadagdag ng puwet, pagbabawas ng taba at bilbil, pagpapatanggal ng line marks, pagpapa-lipo at kung anu-ano pa. Pati ang pagtanda ngayon ng tao ay nadi-delay dahil na rin sa makabagong siyensiya. Of course, nagiging posible lamang ito sa may mga pera o di kaya sa pamamagitan ng sponsorship ng mga kilalang doctor.
Sa mga artista ngayon madalas niyong maririning ang pangalan nina Dra.Vicky Belo at Drs. Manny and Pie Calayan. Sila ang mga tanyag at kilalang mga cosmetic surgeon sa ating bansa lalo na sa mga artista. Bihasa at magaling ang mga doctor na ito kaya tiwala ang sikta na artista sakinala. Kabi kabila ang kanilang mga endorders. Kay Vickey Belo ilan sa kanila ay sina Sam Milby,Kris Aquino,Angel Locsin, Claudine Barreto atbp. At Kay Calayan naman ay sina Raymound Guitterez,John Lapuz,Pia Guanio atbp. Ang dalawang doctor na ito ay mahigpit na nagkokompetensya sa industriyang ito. Maging si Belo ay pashowbiz na din. At kilala siya ng lahat. Si Calayan din naman ay tanyag na ngunit kung pagkokomparahin mo sila ay mas madaming nagtitiwala kay Belo dahil sa kalidad ng kanyang gawa. At talaga nga namang sumusikat ang mga artista sa kamay ni Dra. Vicky Belo.


Mga Artiukulo at Balita tungkol sa pagpaparetoke
Sexy starlet, siniraan ang beauty doctor na nagretoke sa katawan niya!
Author: Ruel Mendoza
DAPAT ay mapagsabihan ang sexy starlet na ito na tumigil sa pagkakalat ng paninira niya sa isang beauty doctor dahil kapag nakaabot ito sa naturang doctor na sinisiraan niya ay baka idemanda pa siya nito.
Walang takot nga na kinukuwento ng sexy starlet na ito na hindi raw magaling ang beauty doctor na kinuhang maging sponsor niya. Nagpagawa raw siya ng ilang bagay sa kanyang katawan pero hindi siya naging masaya. Lumapit pa raw siya sa ibang beauty doctor para iparetoke ang mga pinaretoke niya.
Maraming reklamo ang sexy starlet dahil kesyo hindi raw pantay ang boobs na pinagawa niya, lumobo raw ang tiyan na pinaturukan niya ng isang solution na pampapayat at nagkaroon daw siya ng rashes sa katawan dahil sa gamot na pinainom sa kanya.
At hindi lang daw maganda sa ginagawa ng sexy starlet ay ang ipamalita pa sa mga kasamahan niya ang naging resulta niya sa pagpaparetoke niya ng kung anu-ano. Sana raw ay lumapit na lang siya sa naturang beauty doctor at pinakunsulta ang mga naging bad effects sa kanya.
Pero ayon naman sa mga kinuwentuhan ng sexy starlet, kasalanan naman daw ng sexy starlet kung bakit nagkaganun ang pagpaparetoke niya. Nasa lifestyle raw kasi ng sexy starlet ang dahilan kaya nagkandaleche-leche ang pagpaparetoke nito.
After two days lang daw nang pagpapalaki niya ng boobs ay pumunta raw kaagad ito sa beach at nagbilad sa araw. Kaya tuloy nagkaroon ng hindi magandang effect ang pagbibilad niya sa silicon na pinasok sa katawan niya. Sinabihan siyang huwag munang uminom ng kahit na anong liquor or beer dahil baka mag-react sa solution na tinarak sa kanya. Pero lumaklak pa rin ang starlet.
At ang pinakaimportanteng bilin sa kanya ng beauty doctor at huwag muna siyang makipag-sex sa kahit kanino. After two weeks na lang daw para hindi mabugbog ang katawan niya dahil marami nga itong pinaayos. Pero dahil sa kakatihan ng starlet, hayun at wala pang isang linggo ay agad siyang nakipagdyugdyugan sa model boyfriend niya. No wonder nasira ang mga pina-overhaul niya sa katawan.
Kaya wish ng mga kaibigan ng sexy starlet na huwag na niyang sisihin ang beauty doctor dahil siya itong sumira sa pagpapaayos niya. Nilibre na nga siya pero siya itong sumalaula sa katawan niya kaya dapat lang magdusa siya sa pagiging pabaya niya.

D. Layunin
1. Pangkalahatan
Layunin ng pagaaral na ito na mapatunayan kung nakakabuti ang pagpaparetoke ng isang artista sa kanyang pagsikat.

2. Tiyak
Layunin ng pagaaral na ito na malaman ang buhay ng mga artista matapos silang magparetoke.kung mas binibigyang pansin ba sila ng kanilang mga taga hanga o hindi.

E.Halaga
Ang pagaaral na ito ay maaring maging isang magandang kaalaman sa mga maariing maidulot ng pagpaparetoke sa sarili . Hindi lamang sa pagaartista kundi sa normal na buhay na din ng mga tao. Gusto din naming makapagambang ng kaalaman kung ang paparetoke ba nga mga artista ay nagbibigay sakanila nga dagdag na kasikatan sa kanilag karera.

Nais naming mapatunayan na hindi naman masyadong importante ang pagpaparetoke dahil dapat tanggap mo na kung ano ang meron ka. Kung sabagay mayaman nga naman ang mga artista at kayang kaya nilang gumastos ng napaka laki upang masustentuhan ang kanilang kaligayan. Pero kung iisipin din natin ang pagpaparetoke ay aksaya lamang ng pera, dapat ay maging natural na lamang at mahalin ang sarili. Panlabas ng anyo nga ang kabuhayan nga mga artista ngunit hindi lamang iyon ang laging importante, binibigyan ng mas higit na pansin ang personalidad at kabutihang loob ng mga artista.

Makakatulong ang research na ito sa mga taong nais magparetoke ngunit dadalawang isip. Hindi biro ang pagpaparetoke at maaring makadulot ito ng masasamang epekto sa katawan. At maari itong magdulot ng masama sa sarili.



F. Konseptuwal o Teoretikal na Balangkas


simpleng buhay




pagiging artista


pagpaparetoke

tagumpay

Maraming tao ngayon ang naghahangad ng magandang buhay. Mga simpleng tao na naghahangad makilala at sumikat. Lahat ng bagay ay sinusubukan. Halimbawa na lamang, mga taong sumasali sa paligsahan sa telebisyon. Nabibigyan sila ng kaunting pag-asa na malaki ang matutulong nito sa kanilang buhay. At may posibilidad na sila ay sumikat at maging artista. At habang tumatagal ay hindi sila bumabata kundi sila ay tumatanda. At isa sa solusyon nila na mapanatili and kasikatan dahil sa propesyon ay nagpaparetoke sila. Iniisip nila na ito ay isa sa mga dahilan upang mapanatili ang kasikatan.


G. Metodolohiya
Ang pananaliksik na ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng pag- aayos ng “appointment” sa artistang nais makapanayam. Nais din naming kumuha ng mga litrato o videos habang isinasagawa ang pag iinterbyu.

H. Saklaw/ Delimitasyon
Pagpaparetoke ng artista ang tuon ng pananaliksik. Maaring kausapin naming ang mismong nagretoke sa artista at itanong kung paano ang proseso ng pagretoke at kung maganda ba ang maidudulot nito sa artista.

I.Daloy ng Pag- aaral
Sa Kabanata (C. Rebyu/Pag-aaral), sinasabi dito na ang artista ay pinagkakagastusan ang pagpaparetoke o pag papaganda ng kanilang sarili at mas pinipili nila na baguhin ang kanilang itsura kaysa sa panatiliin at tangkilikin ang kanilang natural na sarili.

Sa Kabanata (D. Layunin), inaalam dito ang layunin ng pag-aaral. Ipapatunayan kung maaapektuhan ba ang kasikatan ng artista matapos itong magparetoke.

Isinasaad sa Kabanata (E. Halaga) na hindi naman importante sa isang tao ang pagpaparetoke ng kanyang sarili. Ito ay panlabas na anyo lamang at EVENTUALLY, mawawala rin. Aksaya lamang ito ng pera dahil hindi naman ito talaga kailangan ng isang tao. Mas binibigyan pansin ang ugali at personalidad ng isang artista kaysa sa kanyang itsura/looks.

Ipinapakita sa Kabanata (F. Konseptuwal o Teoretikal na Balangkas) ang isang diagram kung saan ang Tagumpay, Pagpaparetoke at Pagsimula ng Career ay isang paulit-ulit na proseso lamang. Kahit alin sa nabanggit ang simulan, kapag ang isang tao ay nasa larangan ng pag-aartista o showbiz, uulit lamang ang magiging epekto o kalalabasan nito.

II. Mga Datos

A. Introduksyon ng paksa

Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa mga artistang nabubuhay sa pagpaparetoke ng mga bahagi ng katawan. Naiisipan nilang magparetoke dahil nais nilang panatilihin ang magandang itsura dahil sa hinihingi ng kanilang propesiyon. Sila ay nakakakuha ng libreng pagpaparetoke kapalit ng pag eendorso ng kanilang kompanya.

B. Presentasyon ng Datos

1. Magkano ang nagagastos ng isang artista sa pagpaparetoke?
- Karamihan ng artista ay hindi gumagasta ng malaki sa pagpaparetoke dahil madalas ay nakukuha nila ito ng libre. Kadalasan ay gumagastos sila ng malaki sa “operating room expense” at mga kagamitan na ginamit sa kanilang operasyon (so called x deals) iniindorso nila ang produkto kapalit ang libreng serbisyo.

2. Ang ganito bang proseso ay nakakatulong sa popularidad at kalidad ng pagiging artista nila?
- Nakatutulong dahil napapanatili nila ang kanilang kagandahan nang libre o sa murang halaga at napapakita kita pa sila sa media dahil sa kanilang pageendorso.

3. Bakit nila pinipiling magparetoke?
- Nagpaparetoke sila dahil kailangan nilang panatilihin ang kanilang kagandahan at kabataang itsura at dahil rin ito ay kailangan sa kanilang industriya.

III. Wakas
A. Kritikal na pagsusuri sa mga datos

Ayon sa aming nakalap na datos ang pagpaparetoke ng artista ay talagang nakaktulong sa kanilang pagsikat. Maging mabuti man o masama ang maidudulot nito sa kanila ay nagiging balita pa din sila sa mga pahayagan at mga balita sa tv. Talagang mas nagiging tanyag pa din sila nakakararami. Hindi din pala gaano kalaki ang kanilang na gagastos sa kanilang pagpaparetoke, dahil may mga isponsor naman sila. Ang gagawin na lamang nila ay ang pageendorso ng mga produkto at mga serbisyo ng kanilang mga “Health and Beauty Clinics.” Ang panlabas na anyo ay importante sa kanila kaya ginagwa nila ang lahat upang mapanatili ang kanilang “good looks” sa mata ng lahat.

B. Kongklusyon

Ang pagpaparetoke ng artista ay importante para sa kanila dahil una, nakakapagparetoke sila dahil ito ay libre sa kanila dahil kapalit ng libreng operasyon ay pageendorso ng produkto. Pangalawa, nakatutulong ang pagpaparetoke sa kanila upang mapanatili nila ang kanilang kinagisnan na imahe at patuloy na paglabas sa media. Pangatlo, kaya maraming artista ang nagpaparetoke dahil kinakailangan ito sa kanilang trabaho upang mapanatili ang kagandahan na nagustuhan ng mga manonood.

Kaming magkakagrupo ay hindi sumasang- ayon sa proseso ng retoke dahil mas maganda pa rin ang natural na kagandahan at dapat ay makuntento na kung ano ang biyaya ng Diyos sa atin. Saka hindi rin praktikal ang pagpaparetoke dahil ang artista ay hindi habambuhay na artista kung hindi na sila sikat maiisip din nila na walang saysay ang ginawa nilang pagpaparetoke.

C. Rekomendasyon

Sa aming nagawang pananaliksik hinihikayat naming ang mga tao o mga estudyante na pag-aralan ang paksang pagpaparetoke ng mga artista dahil sa tingin namin ang gantong paksa ay isang public awareness upang malaman ng mga tao ang totong dahilan o ang mga sanhi at bunga ng pagpaparetoke ng mga artista o kahit ng ordinaryong tao. At ito ay makaktulong sa mga susunod na henerasyon dahil ito ang magbubukas ng mga isipan ng mga taong gustong magparetoke dahil malalaman nila ang mga positibo at negatibong bunga ng pagpaparetoke sa isang tao. Kaya para sa mga mambabasa ng aming proyektong ito, ito ang paksa na palaging pinag- uusapan sa mundo ng showbiz at ito sana ang maging gabay sa inyong pagdedesisyon sa usapang pagpaparetoke.

Mga Kasapi:
Ang, Nicole FrancesP.
Centeno, Katrina E.
Cuevas, Christiana Patricia O.
Garcia, April Anne K.
Calaquian, Donatello B.

1 comment:

  1. All Time Best Casino: Slots Games, Software and Top
    The Best Games · Blackjack · Craps · Roulette · 메리트카지노 Baccarat · Blackjack 10bet · Three Card Poker · Keno · Craps · Three Card 바카라 Poker

    ReplyDelete